.Ayan na ang malamig na simoy ng hangin ibig sabihin nyan, malapit na magpasko, ano ba ang kalimitang ginagawa ng mga pilipino tuwing okasyong ito?Ating alamin.
Unang una, syempre pag-malapit na ang pasko andyan na rin ang mga christmas decors,katulad ng mga parol ,christmas light at mga christmas tree. At kung minsan andyan pa si St.Nicholas o mas kilala bilang ."Santa Claus".
Syempre pag-pasko andyan ang Misa de Gallo o mas kilala bilang .......
Simbang Gabi.Sabi nila pag daw nakumpleto mo ang lahat ng misa ay matutupad ang hiling mo. Ikaw naininiwala ka ba dito?
Pagkatapos mo naman magsimbang gabi ay kakalam ang iyong sikmura, ang best na food na makikita mo sa tabing-simbahan ay ang bibingka at puto bumbong.Murang-mura pero mapupuno ang iyong sikmura.Samahan mo pa ng mainit na tsokolate ayun! SOLVE NA!
Paputok rin ang isang indikasyon, dahil narin sa ang pasko ay malapit sa bagong taon.
Noche Buena, ay isang tradisyon natin, isang magandang kaugalian dahil dahil dito ay nagkakabuklod-buklod ang mga miyembro ng pamilya.
Ngunit laging tandaan , magpasalamt sa panginoon dahil kung hindi sya ipinanganak sa araw na ito, ay baka walang magbibigay at magdadala ng ligaya ngayong kapaskuhan.
No comments:
Post a Comment